Pagbaba pa lang namin ng bus noon ay agad na akong namamangha sa mga nakikita ko sa labas dahil nga maganda at malinis ang paligid doon, kaya naman sa labas pa lang ay agad ka ng hahanga, at paano pa kaya yung kakaibang karanasan para sa akin yung pagtungtong mo pa lang sa lugar na iyon ay napakaganda na talaga sa labas ng bahay hanggang sa unti unti naming pagpasok
At nang kami ay pumasok na nga ng tuluyan ay parang may kakaibang pakiramdam sa akin dahil bago kami makarating sa lugar na iyon ay may nagkwekwento sa amin na guro para bigyan kami ng kaalaman tungkol sa lugar na iyon bago kami makarating sa kugar na iyon at ngayon nga alam ko na na ang bahay na iyon ay ang pangyayari kung saan inihayag ang kalayaan ng ating bansa. Kung pakaiisipin mong maigi ay doon mismo sa kinatatayuan ko ay ang noong nagtipon tipon ang mga sinaunang tao at ang mga makasaysayang tao na naglayag ng kalayaan.
Lalo pa kong namangha sa aking mga nakikitang kakaibang mga gamit na puro antique o antigo at sa loob ng bahay na iyon ay naiisip ko kung paano ba nila napapanatili ang ganda at linis ng bahay na iyon, siguro dahil na rin sa tulong ng mga taga-pangalaga ng bahay na iyon.
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ang bahay na iyon ay isa sa mga tampok na talagang binibisita ng maraming tao at ng iba pang dayuhan na napapadpad doon at kanilang mabisita ang lugar na iyon na sa ating bansa ay talaga namang maipagmamalaki nating mga pilipino.
Posted By: Rosemarie C. Aplaon