Naaalala ko pa nung ako ay nasa ikalawang baitang ng kolehiyo sa concordia college at isa sa aking mga subjects na kinuwa noon ay ang Rizal Life's and Works na ang aming professor ay si Sir. Alvarez. At kung saan nagkaroon kami ng hindi inaasahang paglalakbay tungkol sa mga makasaysayan na may kinalaman kay Jose Rizal dahil nga konektado na rin itosa aming subject pero ang pinaka dahilan talaga ng aming paglalakbay ay walang iba kung hindi ang mga exchange students na nanggaling pa sa ibang bansa o sa lugar ng korea. Mga exchange students sila galing sa kanilang bansa nung mga panahon na yun ay hindi inaasahan na kami ay maswerteng napabilang na maksama namin sila sa paglalakbay at pamamasyal para sila ay i-tour namin dito sa ating lugar na may kinalaman sa mga makasaysayang panahon at tungkol na rin sa ating pambansang bayani na si Rizal.
Tuwang tuwa naman kami dahil kasama namin ang mga dayuhan na iyon para aming ipagmalaki ang mga magagandang lugar dito sa pilipinas na aming mga pupuntahan.
Syempre dito muna kami sa maynila nagumpisa ng paglalakbay kung saan makikita rin naman dito ang makasaysayang lugar ng pinangyarihan ng mga pinagmulan at naging katapusan ng ating pambansang bayani na si Rizal.
Pinuntahan namin umpisa ang Luneta Park , ang makasayasayang lugar dito sa atin, ang Fort Santiago rin na malapit naman sa intramuros at ang simbahan na San.Agustin Church at Manila Cathedral na amin ring pinuntahan at inalam ang mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa noong mga panahon na tayo ay nasakop ng maraming dayuhan. Kasama namin ang mga korean students na talaga namang nakikita namin silang namamangha rin sila sa kanilang mga nakikita doon lalo pa't iyon ay mga makasaysayang pangyayari dito sa ating lugar.
At lahat ng iyon ay aming napuntahan dito lamang sa maynila matatagpuan.
Marami pa ang aming natuklasan sa mga lugar na aming pinuntahan dahil nga ito ay idinedetalye sa amin ng maigi kaya naman mas na-aapreciate namin iyon lalo at sobrang nakaka-proud sa ating mga pilipino dahil mayroon tayong mga ganung nakatago na historical at magagandang lugar na dito lamang sa maynila matatagpuan
.Ganun rin ng matapos kami mamasyal rito sa maynila ay agad naman din kaming tumungo sa laguna kung saan nanirahan din ang ating pambansang bayani na si Rizal sa Calamba Laguna. Na alam naman nating lahat na napakaganda rin sa lugar na iyon dahil na sa historical ang lugar na iyon at alam rin natin na doon matatagpuan ang masarap na pagkain na buko pie ang kanilang specialty.
Syempre sinamantala namin ang pagkakataon na makapunta kami doon at makapag bonding kami sa isa't isa kasama ang mga foreign students.
Binisita namin ang bahay ni rizal nguni't sa kasamaang palad nga lang ay sarado ng araw na iyon. Ganun pa man alam ko na rin naman kung anu anu ang mga makikita sa loob ng bahay ni rizal dahil ilang beses na rin naman akong nagawi doon kasama ang aking pamilya noong ako ay bata pa.
Talaga namang makikita natin doon ang mga pinagmulan ni rizal mula pagkabata hanggang sa sya ay naging binata. Napakaganda talaga ng lugar na iyon hindi lang dahil makasaysayan lugar sa atin kung hindi dahil sa mga magagandang lugar na iyong matatanaw doon sa laguna. Kaysarap nga naman balikan ang paglalakbay namin na iyon at hindi ko iyon makakalimutan. Mga makasaysayang lugar na matatagpuan dito sa lugar natin sa pilipinas aking ipinagmamalaki sa lahat.
Posted by: Rosemarie C. Aplaon