Tuesday, October 6, 2015

Makasaysayang lugar sa Emilio Aguinaldo Shrine Kawit, Cavite.


Nais ko namang ibahagi ang aking karanasan noong kami ay nag field trip noong ako ay elementarya pa lamang. Isa sa mga lugar na hindi ko rin malilimutan na aming napuntahan ay ang itinuturing isa sa makasaysayang lugar sa pilipinas at isa rin sa mga lugar na makasaysayang una kong napuntahan. Ang Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.

Pagbaba pa lang namin  ng bus noon ay agad na akong namamangha sa mga nakikita ko sa labas dahil nga maganda at malinis ang paligid doon, kaya naman sa labas pa lang ay agad ka ng hahanga, at paano pa kaya yung kakaibang karanasan para sa akin yung pagtungtong mo pa lang sa lugar na iyon ay napakaganda na talaga sa labas ng bahay hanggang sa unti unti naming pagpasok


At nang kami ay pumasok na nga ng tuluyan ay parang may kakaibang pakiramdam sa akin dahil bago kami makarating sa lugar na iyon ay may nagkwekwento sa amin  na guro para bigyan kami ng kaalaman tungkol sa lugar na iyon bago kami makarating sa kugar na iyon at ngayon nga alam ko na na ang bahay na iyon ay ang pangyayari kung saan inihayag ang kalayaan ng ating bansa. Kung pakaiisipin mong maigi ay doon mismo sa kinatatayuan ko ay ang noong nagtipon tipon ang mga sinaunang tao at ang mga makasaysayang tao na naglayag ng kalayaan. 




Lalo pa kong namangha sa aking mga nakikitang kakaibang mga gamit na puro antique o antigo at sa loob ng bahay na iyon ay naiisip ko kung paano ba nila napapanatili ang ganda at linis ng bahay na iyon, siguro dahil na rin sa  tulong ng mga taga-pangalaga ng bahay na iyon. 


Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ang bahay na iyon ay isa sa mga tampok na talagang binibisita ng maraming tao at ng iba pang dayuhan na napapadpad doon at kanilang mabisita ang lugar na iyon na sa ating bansa ay talaga namang maipagmamalaki nating mga pilipino. 



Posted By: Rosemarie C. Aplaon

Tuesday, September 29, 2015

Explore Historical places here in Manila to Laguna!




Naaalala ko pa nung ako ay nasa ikalawang baitang ng kolehiyo sa concordia college at isa sa aking mga subjects na kinuwa noon ay ang Rizal Life's and Works na ang aming professor ay si Sir. Alvarez. At kung saan nagkaroon kami ng hindi inaasahang paglalakbay tungkol sa mga makasaysayan na may kinalaman kay Jose Rizal dahil nga konektado na rin itosa aming subject pero ang pinaka dahilan talaga ng aming paglalakbay ay walang iba kung hindi ang mga exchange students na nanggaling pa sa ibang bansa o sa lugar ng korea. Mga exchange students sila galing sa kanilang bansa nung mga panahon na yun ay hindi inaasahan na kami ay maswerteng napabilang na maksama namin sila sa paglalakbay at pamamasyal para sila ay i-tour namin dito sa ating lugar na may kinalaman sa mga makasaysayang panahon at tungkol na rin sa ating pambansang bayani na si Rizal.





Tuwang tuwa naman kami dahil kasama namin ang mga dayuhan na iyon para aming ipagmalaki ang mga magagandang lugar dito sa pilipinas na aming mga pupuntahan.



Syempre dito muna kami sa maynila nagumpisa ng paglalakbay kung saan makikita rin naman dito ang makasaysayang lugar ng pinangyarihan ng mga pinagmulan at naging katapusan ng ating pambansang bayani na si Rizal.
 Pinuntahan namin umpisa ang Luneta Park , ang makasayasayang lugar dito sa atin, ang Fort Santiago rin na malapit naman sa intramuros at ang simbahan na San.Agustin Church at Manila Cathedral na amin ring pinuntahan at inalam ang mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa noong mga panahon na tayo ay nasakop ng maraming dayuhan. Kasama namin ang mga korean students na talaga namang nakikita namin silang namamangha rin sila sa kanilang mga nakikita doon lalo pa't iyon ay mga makasaysayang pangyayari dito sa ating lugar.


At lahat ng iyon ay aming napuntahan dito lamang sa maynila matatagpuan.

Marami pa ang aming natuklasan sa mga lugar na aming pinuntahan dahil nga ito ay idinedetalye sa amin ng maigi kaya naman mas na-aapreciate namin iyon lalo at sobrang nakaka-proud sa ating mga pilipino dahil mayroon tayong mga ganung nakatago na historical at magagandang lugar na dito lamang sa maynila matatagpuan




.Ganun rin ng matapos kami mamasyal rito sa maynila ay agad naman din kaming tumungo sa laguna kung saan nanirahan din ang ating pambansang bayani na si Rizal sa Calamba Laguna. Na alam naman nating lahat na napakaganda rin sa lugar na iyon dahil na sa historical ang lugar na iyon at alam rin natin na doon matatagpuan ang masarap na pagkain na buko pie ang kanilang specialty.


Syempre sinamantala namin ang pagkakataon na makapunta kami doon at makapag bonding kami sa isa't isa kasama ang mga foreign students.

Binisita namin ang bahay ni rizal nguni't sa kasamaang palad nga lang ay sarado ng araw na iyon. Ganun pa man alam ko na rin naman kung anu anu ang mga makikita sa loob ng bahay ni rizal dahil ilang beses na rin naman akong nagawi doon kasama ang aking pamilya noong ako ay bata pa.





 Talaga namang makikita natin doon ang mga pinagmulan ni rizal mula pagkabata hanggang sa sya ay naging binata. Napakaganda talaga ng lugar na iyon hindi lang dahil makasaysayan lugar sa atin kung hindi dahil sa mga magagandang lugar na iyong matatanaw doon sa laguna. Kaysarap nga naman balikan ang paglalakbay namin na iyon at hindi ko iyon makakalimutan. Mga makasaysayang lugar na matatagpuan dito sa lugar natin sa pilipinas aking ipinagmamalaki sa lahat.


Posted by: Rosemarie C. Aplaon

Introduction of Discover Philippines!


Greetings to all the readers!

Welcome to our blog site Discover Philippines!









Our Blog is all about the places here in
the Philippines.

They say that It's more fun in the Philippines! Then, let's find out more only here on our blog where you can discover many good places in the Philippines.

Pino-post namin lahat dito ang mga lugar na aming napuntahan na o yung mga lugar na naging memorable sa amin at mayroon na kaming mga naging karanasan tungkol sa lugar na iyon at nais naman naming ibahagi ang lahat ng mga naging karanasan namin na iyon sa pamamagitan ng pag-popost dito sa aming blogsite na Discover Philippines.

Para sa lahat ng mga tao na makakabasa ng aming mga blog o yung mga taong may interest na basahin ang aming blog kung gusto nilang malaman yung mga lugar na hindi pa nila napupuntahan.
Kaya naman inuumpisahan namin itong introduksyon na ito sa pagbati sa mga mambabasa at pag-uumpisa ng pagbahagi namin ng introduksyon tungkol sa kaunting impormasyon na mababasa nila at makikita nila dito sa aming blogsite na pinamagatan naming Discover Philippines!

Kaygandang mga tanawin na iyong babalik balikan at iyong makikita dito lamang sa Pilipinas. So what are you waiting for Let's Discover Philippines!


Posted by:Rosemarie C. Aplaon